Pages

Oct 16, 2009

Mt Cinco Picos

Eto ay isang lumang karanasan na nahalungkat ko lang mula sa aking inbox. Year 2006 nang ako ay nagsimulang umakyat ng bundok. Naka-ilang akayat din ako nung taong un. Take note, wala pa akong equipemnts nyan at sandals lang ang tanging mga sapin sa paa. Wala pa akong mamahaling merrell shoes..

Eto na ang Mt Cinco Picos( Five Peaks ) experience. Ang Mt Cinco Picos ay isang alternatibong bundok na pwedeng akyatin sa Zambales. Makikita mula sa Subic ang Rounded Peak (Bundok Dayungan) at Pointed Peeak (Bundok Balingkilat). Ang Mt Cinco Picos ay kilala sa tawag na Tatlong Tirad o tatlong Tusok. Kung bakit tatlong tusok ay malalaman ninyo kapag inakyat ang bundok na ito.

Sa unang araw, sumakay kame sa first trip (0300am) sa Victory Bus Pasay sation. Ang baba namin ay sa Olongapo City malapit sa chowking kung san kame nagbreakfast at bumili ng packed lunch.

Pagkatapos kumain, naglakad kame papunta sa Marikit Park kung saan duon kame nagregister, kumuha ng ide at tshirt.


0830 am na kame nakalis duon at isang oras ang byahe papunta sa jump off. Mula sa jump off, dalawang maliliit na ilog na hanggang tuhod ang taas ang madadaanan bago makarating a bahay ng Aeta’s chieftain. Ang mga lugar na dinadaanan ay ang ancestral lang mga aeta duon. Pagkalampas ng bahay ng chieftain, may madadananag ilog na hanggang baywang ang tubig at ang trail ay parang miner’s trail. Maluwag ang daan at maraming water source (bukal) namadadaan papunta kina Solong david. Mga 1200pm ay lunch on trail naman. Pgakalampas kina Solong David, makikita na ang Tatlong Tirad.

Ito na ang Mt Cinco Picos. Open area at matalahib ang trail. Gradual ang pag-akyat pero mahaha-habang lakaran naman ito. Pagkadating sa campsite eh kinailangan pang maglinis ng onti. Meron ding water source sa camp site. Unahan ang makarating sa campsite para makapili ng pwesto. Kame ata ang unang grupo na makarating sa campsite. Sweetness at yabang !hehehe! Pagtapos magpahinga ay nagluto na rin kame ng panghapunan. Nagkaroon din ng mini socials ngunit nakatulog ata ang organizer namin. Nagkaroon din pala ng paraffle at nanalo si ate flor ng isang bote ng Bailey’s. Tinira na lng namin un the next day nung magswimming.

400 am ang wake up call para sa mga gustong umakyat ng tuktok ng Mt Cinco Picos. Matalahib at ,abato paakyat ng summit.

May mga nakita kameng bahay ng mga baboy ramo. Sa summit din makikita ang 360 degrees ang Subic Bay at ang Silangin.

By 0600am ay nasa campsite na ulit para magluto ng pang-agahan. 0800 am ay break camp at dapat meron na ring packed lunch. Kina Solong david pa rin maglulunch. Nagkaroon din kame makaligo sa ilog duon. Crystal clear ang tubig at ang lamig. Sarap magswimming.

After ng wash up, sinundo ulit kame ng mga jeep na magdadala sa amin sa SBMA Subic Freeport Zone na dating base militar ng mga Amerikano nuon. Gumala at nagdinner kame ulit dun. Nuod ng concert dahil octoberfest nun. Gumala ulit ng konti then dali daling pumunta sa bus terminal, muntik pa kameng maiwanan ng bus kaya ung papuntang caloocan na lng ang nasakyan namin.

Hay, isa sa mga hindo ko makakalimutang climbs ito.

No comments:

Post a Comment

Pages - Menu

 

Template by BloggerCandy.com | Header Image by Freepik