Pages

May 12, 2012

Happy mother's day mommy-la!


Eto ang aking mudra aka bestfriend and confidant. Ang ganda niya noh? talo pa ako nito sa pagiging kikay at fashionista. Hindi lang siya isang nanay pero umabot na kame sa punto na parang magkapatid na lang or magkabarkada kame. Siyempre hindi pa rin nawawala ang respeto ko sa kanya bilang isang nanay.

Mahaba rin ang pinagdaanan namin para maabot ang ganitong estado na aming pagiging mag-ina. Anjan ang mga away at di pagkakasunduan lalu na nung high school days at early college. Medyo huli ko na naintindihan ang katagang a mother knows what is the best for us. Since then, i never felt alone ika nga. Hanggang ngayon kahit may asawa ako at nagkaroon ng problema alam kong siya pa rin ang magiging takbuhan ko. mama's girl at papa's girl talaga ako. 

I am very thankful talaga for having may mama. Siya na maagang naulila para nagampanan pa rin niyang alagaan ang apat na anak at isang apo. 

No comments:

Post a Comment

Pages - Menu

 

Template by BloggerCandy.com | Header Image by Freepik