Opisina Blues
I
Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Pagpasok sa planta
Sermon ang almusal
Bago pumasok sa test floor
Kapag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunud-sunuran
Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin
REFRAIN
Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang
II
Paggaling sa cafeteria
Diretso na ng tester
Trabaho na naman aking aabutan
Ayun doon si Ticman
Ayun doon si Ticman
Si Bruce ang naghihintay
Tatawag ang barkada
Sa kanila'y sasama
Lagot na naman paglarga
At 'pag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako ang nasisisi
No comments:
Post a Comment